Pinanguluhan, Nobyembre 25, 2019, ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina, ang Pulong sa Ika-14 Limahan-taong Plano, kung saan, tinalakay ang pananaliksik sap ag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan.
Sinabi ni Li na sa panahon ng Ika-14 na Limahan-taong Plano, magiging mas marami ang hamon ng kapaligirang panlabas. Ang Tsina ay nasa masusing panahon ng pagbabago ng paraan ng pag-unlad. Aniya, kaya dapat ituring ang kaisipan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon bilang patnubay, at ituring ang mga mamamayan bilang sentro ng pag-unlad, batay sa pundamental na kalagayang Tsino. Ito aniya ay para pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayang Tsino na may mataas na kalidad.
Salin:Sarah