Nilagdaan Nobyembre 27, 2019, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act of 2019, at ipinagwalang-bahala ang pagtutol ng panig Tsino. Mahigpit na kinondena ang naturang aksyon ng Amerika ng mga mamamayang Tsino at komunidad ng daigdig. Ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, ang sentral na pamahalaang Tsino at pamahalaan ng HKSAR lang ang tanging mayroong kapangyarihan na hawakan ang mga suliranin ng Hong Kong. Ang aksyon ng Amerika ay naglalayong humadlang sa pag-unlad ng Tsina, at tiyak na mabibigo ang pagtatangka nito.
Salin:Sarah