Tashkent, Uzbekistan — Sa pagtatagpo nitong Biyernes, Nobyembre 29, 2019 ng mga lider ng limang bansa sa Gitnang Asya na kinabibilangan ng Uzbekistan, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Turkmenistan, at Tajikistan, malawakan silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa pagpawi sa trade barrier, pagpapalakas ng kooperasyong industriyal, pagpapasulong ng modernisasyon ng imprastrukturang pang-enerhiya, at iba pang isyu.
Sa isang magkasanib na pahayag na inilabas pagkatapos ng pagtatagpo, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng limang bansa na panatilihin ang kanilang pagpapalitan at koneksyon para mapalakas ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng siyensiya, edukasyon, turismo, kultura, at palakasan.
Salin: Li Feng