Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-2 Hainan Island International Film Festival, binuksan

(GMT+08:00) 2019-12-02 12:01:39       CRI

Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina—Binuksan nitong Linggo, Disyembre 1, 2019 ang Ika-2 Hainan Island International Film Festival. Dumalo at nagtalumpati sa seremonya ng pagbubukas sina Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), at Shen Xiaoming, Gobernador ng Lalawigang Hainan.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Shen Haixiong na ang pag-unlad ng Hainan ay mahalagang katibayan ng reporma at pagbubukas ng Tsina nitong nakalipas na 40 taon. Aniya, sa bagong panahon, tumatahak aniya ang Tsina sa landas ng pagiging malakas na bansa sa larangan ng pelikula.

Ipinahayag naman ni Shen Xiaoming na target ng kasalukuyang pestibal na likhain ang isang pandaigdig at akademiko, at popular na kapistahan ng pelikula.

Ang Hainan International Film Festival ay itinayo noong 2018. Sa kasalukuyang taon, pinagyaman, sa kauna-unahang pagkakataon, ang Golden Coconut Awards. Umabot ngayon sa 1,495 pelikula mula sa 80 bansa't rehiyon ang kasali sa nasabing paligsahan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>