|
||||||||
|
||
Ayon sa kaukulang alituntunin ng Saligang Batas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) at nominasyon ni Ho Lat Seng, Ika-5 Punong Ehekutibo ng Macao, hinirang nitong Linggo, Disyembre 1, 2019 ng Konseho ng Estado ng Tsina ang mga pangunahing opisyal ng pamahalaan at prokurador heneral ng Macao SAR.
Ayon sa tadhana ng saligang batas, isasabalikat ng nasabing mga opisyal at prokurador heneral ang kani-kanilang tungkulin mula Disyembre 20, 2019.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |