Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-2 ng Disyembre 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Nikolai Patrushev, Security Council Secretary ng Rusya, na nasa bansa para lumahok sa ika-6 na pulong sa mekanismo ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at seguridad ng Tsina at Rusya, at ika-15 round ng pagsasanggunian sa estratehikong seguridad ng dalawang bansa.
Sinabi ni Xi, na ang Tsina at Rusya ay matalik na estratehikong magkatuwang. Dapat aniyang patuloy na samantalahin ng dalawang bansa ang pagsasanggunian sa estratehikong seguridad at mekanismo ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas at seguridad, para palakasin ang koordinasyon sa estratehikong seguridad at palalimin ang estratehikong pagtitiwalaan. Ito ay mahalaga hindi lamang sa sariling mga nukleong interes ng Tsina at Rusya, at komong seguridad ng dalawang bansa, kundi rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Salin: Liu Kai