Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: magkasamang lalabanan ng Tsina at Rusya ang interbensiyon ng ilang bansang kanluranin

(GMT+08:00) 2019-12-03 11:28:59       CRI
Sinabi kahapon, Lunes, ika-2 ng Disyembre 2019, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lubos na pabor ang panig Tsino sa pananalita ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na maling mali ang pakikialam ng ilang bansang kanluraning gaya ng Amerika sa mga suliraning panloob ng Rusya at Tsina.

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Nikolai Patrushev, Security Council Secretary ng Rusya. Binigyang-diin niyang sa pamamagitan ng interbensiyon, tangka ng ilang bansang kanluranin na bantaan ang soberanya at seguridad ng Tsina at Rusya, at hadlangan ang pag-unlad ng dalawang bansa. Pero ani Xi, nananalig siyang walang anumang puwersa ang makasasagabal sa landas pausad ng Tsina at Rusya.

Sinabi naman ni Patrushev, na ang kasalukuyang mga patakaran ng Amerika ay nakakapinsala sa mga kapakanan ng Rusya at Tsina, at nagdudulot din ng negatibong epekto sa pandaigdig na sistema at kaayusan. Dapat aniyang palakasin ng Rusya at Tsina ang koordinasyon, para pangalagaan ang soberanya at seguridad ng dalawang bansa, at panatilihin ang estratehikong katatagan ng daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>