Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-15 Pagsasanggunian ng Tsina at Rusya sa Kaligtasan, idinaos

(GMT+08:00) 2019-12-05 14:18:45       CRI

Sa Shanghai, Disyembre 4, 2019, magkasamang nangulo sa Ika-15 Pagsasanggunian ng Tsina at Rusya sa Kaligtasan, sina Yang Jiechi, Puno ng Office of the Foreign Affairs Commission of the CPC Central Committee, at Nikolai Patrushev, Secretary of the Russian National Security Council.

Malalim na tinalakay ng dalawang panig ang hinggil sa mga isyung kinabibilangan ng relasyong Sino-Ruso sa bagong panahon, mga suliraning pandaigdig at kooperasyon sa multilateralismo, estratehikong kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko at iba pa, at narating ang malawak na komong palagay.

Sinang-ayunan ng dalawang panig na lubos na patingkarin ang papel ng sistema ng pagsasanggunian ng estratehikong seguridad, isakatuparan ang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, lalo pang palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at pahigpitin ang estratehikong kooperasyon, para mapangalagaan ang seguridad ng dalawang bansa.

Buong lakas na sinusuportahan ng Tsina ang Rusya ang pagdaraos ng summit ng Shanghai Cooperation Organisation (SCO) at BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa). Sinang-ayunan ng dalawang panig na mag-pokus sa pangangalaga ng multilateralismo at paglaban sa unilateralismo, para magkasamang pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>