Lubos na sinusuportahan ng mga dating lider ng iba't ibang bansa ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Hong Kong, kinondena ang karahasan sa Hong Kong at nanawagang ititigil ang karahasan sa lalo madaliang panahon. Sinang-ayunan nila ang kapasiyahan ng Tsina na ipatupad ang patakaran ng Isang Bansa Dalawang Sistema, at tinututulan ang pakikialam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliranin ng Hong Kong.
Ipinahayag ito ng mga lider nang kapanayamin ng mga mamamahayag kamakailan sa 2019 Imperial Springs International Forum dito sa Beijing.
Sinabi ni dating Pangulong Danilo Türk ng Slovenia na nananalig siyang na maaaring hawakan ng Tsina ang lahat ng suliraning panloob. Natamo na ng Tsina ang maraming bunga nitong nakaraang 40 taon sapul nang isagawa ang patakaran ng pagbubukas sa labas at reporma, at tiyak na palalakasin ang mabuting kalagayang ito sa hinaharap.
Ipinahayag ni dating Pangulong Vaira Vike-Freiberga ng Latvia na dapat ipahayag ng mga mamamayan ang opinyon sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Salin:Sarah