Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang pangulo ng Tsina, nanawagang palakasin ang people-to-people exchanges sa Rusya

(GMT+08:00) 2019-12-06 11:45:11       CRI

Nakipagtagpo nitong Huwebes, Disyembre 5, 2019 sa Beijing si Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina, sa mga kinatawang kalahok sa ika-12 sesyong plenaryo ng China-Russia Friendship Committee for Peace and Development (CRFCPD).

Tinukoy ni Wang na ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, at nasa pinakamagandang lebel sa kasaysayan ang bilateral na relasyon. Aniya, ang nasabing komite ay mahalagang plataporma ng diplomasyang di-pampamahalaan ng dalawang bansa. Dapat aniyang gawing patnubay ang mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, gawing misyon ang pagpapasulong sa pagkakaibigang di-pampamahalaan ng kapuwa panig, walang humpay na palakasin ang pagpapalitan, at patibayin ang pundasyon ng mithiin ng mga mamamayan para sa pagtatatag ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong panahon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>