Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina: dapat pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan sa pundasyon ng pandaigdigang norma

(GMT+08:00) 2019-12-09 10:31:00       CRI

Sa kanyang pagbisita sa Palestina, inulit nitong Linggo, Disyembre 8, 2019 ni Zhai Jun, Espesyal na Sugo ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Gitnang Silangan, ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Palestina at Israel. Nanawagan siya sa iba't-ibang bansa na pasulungin ang prosesong pangkapayapaan ng Gitnang Silangan sa pundasyon ng pandaigdigang norma.

Sinabi ni Zhai na hinahangaan at kinakatigan ng panig Tsino ang estratehikong pagpili ng Palestina na lutasin ang kaukulang isyu sa pamamagitan ng talastasang pangkapayapaan. Naninindigan aniya ang panig Tsino na sa pundayson ng mga pandaigdigang pagkakasundo at norma, at sa pamamagitan ng pantay na diyalogo, malulutas ang mga pagkakaiba ng Palestina at Israel at mahahanap ang kalutasang katanggap-tanggap para sa dalawang panig.

Ani Zhai, patuloy na kakatigan ng panig Tsino ang makatarungang usapin ng mga mamamayang Palestino para hanapin ang lehitimong karapatan ng nasyon. Bukod dito, dapat igalang ang makatwirang pagkabahala ng Israel sa isyung panseguridad, dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>