Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang anumang kuwalipikasyon ang Amerika sa magsalita tungkol sa karapatang pantao at moralidad sa Tsina — Hua Chunying

(GMT+08:00) 2019-12-12 10:16:08       CRI

Muling binatikos kamakailan ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, ang Tsina na umano'y "pang-aapi" sa mga personaheng panrelihiyon at pambansang minoriya at "paglapastangan" sa kalayaan ng mga mamamayan.

Bilang tugon, ipinahayag nitong Miyerkules, Disyembre 11, 2019 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang anumang kuwalipikasyon ang kasalukuyang Amerika na magsalita tungkol sa karapatang pantao at moralidad sa Tsina.

Sinabi ni Hua na ang Tsina ay hindi lamang nakalikha ng himala sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, kundi nakapagbigay pa ito ng napakalaking ambag para sa pag-unlad ng pandaigdigang usapin ng karapatang pantao na buong pagkakaisa itong hinahangaan ng iba't-ibang bansa sa daigdig.

Dagdag pa niya, sa kasalukuyang Amerika, malubha ang mga human rights problems na tulad ng diskriminasyong panlahi. Bukod dito, nanghihimasok aniya ang Amerika sa mga suliraning panloob ng ibang bansa at pinupukaw ang "Color Revolution" at paglilipat ng kapangyarihan, at walang tigil nitong inilulunsad ang mga giyera sa mga bansang gaya ng Iraq, Syria, at Afghanistan na pumapatay ng mga inosenteng sibilyan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>