|
||||||||
|
||
Dahil sa paghadlang ng Amerika sa pagpili at pagharang sa bagong hukom ng World Trade Organization (WTO) Appeals Body, matapos ang termino ng dalawang hukom nitong Martes, Disyembre 10, napilitang suspendihin nitong Miyerkules ang nasabing organo ng WTO.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing Disyembre 11 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kanyang kalungkutang ang WTO Appeals Body ay naging isa pang biktima ng unilateralismo at proteksyonismo ng Amerika
Ani Hua, nananawagan ang 117 kasaping bansa ng WTO na dapat agarang pasimulan ang pagpili sa hukom. Ito aniya ay nagpapakita ng mahigpit na mithiing pulitikal ng nakakaraming kasapi sa pagpapanumbalik ng nasaing organo. Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng mga kasaping bansa para patuloy na mapasulong ang paglutas sa mga hamong kinakaharap ng organong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |