Para sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), ang 20 taong sapul nang bumalik ito sa inang bayan ay panahong may pinakamabilis na pag-unlad sa kabuhayan. Ipinalalagay ng mga namamahalang tauhan ng Macao na ang dahilan nito ay pagsuporta ng Sentral na Pamahalaan ng Tsina.
Nitong 20 taong nakalipas, bukod sa malaking pag-unlad ng tradisyonal na industriyang panturismo, pinapaunlad din sa Macao ang mga bagong industriya na tulad ng medisinang Tsino at iba pa. Nadagdagan at umabot sa 444.7 bilyong Macau Pataca ang lokal na kabuuang halaga ng produksyon ng Macao mula 51.9 bilyong Macau Pataca 20 taon na ang nakaraan. Noong 2018, umabot sa 670 libong Macau Pataca ang per captia GDP sa Macao, at bumaba sa 1.8% ang unemployment rate.
Tulad ng pahayag ni Fernando Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Macao na, sa paggamit ng patakarang preperensiyal ng Sentral na Pamahalaan, sumali ang Macao sa mga kooperasyong panrehiyon, at natamo ang mga bunga sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan. Sa hinaharap, dapat patuloy na igiit ang plano ng inang bayan, palakasin ang kooperasyong panrehiyon, para isakatuparan ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan.
Salin:Sarah