Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, sinuspinde ang mga nakatakdang karagdagang taripa sa mga produktong Amerikano

(GMT+08:00) 2019-12-15 14:51:25       CRI
Ayon sa Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, sinuspinde ng bansa ang mga karagdagang taripa sa mga produktong Amerikano na nakatakdang ipataw, 12:01 p.m. (Beijing Time), ngayong araw, Linggo, ika-15 ng Disyembre 2019.

Kabilang sa mga nabanggit ay 10% at 5% na karagdagang taripa sa nagkakaibang uri ng mga produkto mula sa Amerika. Samantala, patuloy na suspendido ang karagdagang taripa sa mga sasakyan at piyesa ng sasakayang yari ng Amerika.

Ayon sa naturang komisyon, ginawa ang desisyong ito, para ipatupad ang bunga ng pinakahuling pagsasanggunian sa isyu ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Amerika. Ito ay alinsunod sa mga batas at regulasyon ng Tsina, at mga pundamental na prinsipyo ng pandaigdig na batas.

Kasabay nito, patuloy na ipinapataw ang iba pang mga karagdagang taripa sa mga produktong Amerikano, at patuloy na isinasagawa ang tax exemption para sa mga produktong aangkatin mula sa Amerika.

Umaasa rin ang panig Tsino, na batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan, magkasamang magsisikap ang Tsina at Amerika, para maayos na lutasin ang mga pangunahing pagkabahala ng isa't isa, at itaguyod ang matatag na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>