Ang Disyembre 20, 2019, ay Ika-20 Anibersaryo ng Pagbabalik ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) sa inang bayan. Nitong nakaraang 20 taon, buong lakas na pinapasulong ng Macao ang pag-unlad ng kabuhayan, naging mas marami at pleksible ang organo ng pang-industriya, pinataas ang kakayahan ng paglaban sa panganib, at pinabuti nang malaki ang pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinakikita karanasan ng Macao na, ang buong tatag na pangangalaga sa Konstitusyon at Pundamental na Batas, at pagsasakatuparan ng "Isang Bansa Dalawang Sistema" ang pinakamabuting garantiya sa pagsasakatuparan ng pangmalayuang katatagan ng Macao. Ito rin ay pinakamabuting paraan ng Tsina upang lutasin ang mga isyung naiwan ng kasaysayan, at isakatuparan ang mapayapang reunipikasyon ng inang bayan.
Salin:Sarah