Huwebes ng umaga, Disyembre 19, 2019, naglakbay-suri si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Government Services Center sa Areia Preta, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR), at nakipag-usap sa mga residente.
Saad ni Xi, ipinakaloob ng pamahalaan ng Macao SAR ang magandang serbisyo para sa mga rensidente, at nagpapakita ito ng ideyang pangkaunlaran na pagpapauna ng mga mamamayan. Aniya, habang nakikipag-usap sa mga residente, naramdaman niya ang walang humpay na pagbuti ng pamumuhay ng mga kababayan sa Macao, at pagbabagong historikal na naganap nitong nakalipas na 20 taon sapul nang bumalik ang Macao sa inang bayan.
Salin: Vera