Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: pag-unlad ng Macao, bunga ng Isang Bansa Dalawang Sistema

(GMT+08:00) 2019-12-19 21:54:58       CRI

Dumalo gabi ng Huwebes, ika-19 ng Disyembre 2019, sa Macao, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa bangketeng panalubong na inihandog ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR).

Sa kanyang talumpati sa bangkete, sinabi ni Xi, na nitong 20 taong nakalipas sapul nang bumalik sa inangbayan, mabilis ang pag-unlad ng kabuhayan ng Macao, malaki ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at mataas ang dignidad at karangalang tinatamasa ng mga kababayang taga-Macao mula sa inangbayan.

Dagdag ni Xi, ang malaking tagumpay at makasaysayang pagbabagong natamo ng Macao sa aspekto ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ay bunga ng pagsasagawa ng patakarang Isang Bansa Dalawang Sistema, pagsuporta ng pamahalaang sentral at mainland, pagpapatupad ng mga tungkulin ng pamahalaan ng MacaoSAR, at pagpupunyagi ng iba't ibang sirkulo ng Macao.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>