Idinaos kagabi, Huwebes, ika-19 ng Disyembre 2019, sa Macao, ang evening gala bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng rehiyong ito sa inangbayan.
Dumalo sa aktibidad sina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina. Nanood sila ng mga palabas, kasama ni Chui Sai On, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) at kanyang asawa na si Fok Wai Fun, mga opisyal ng pamahalaang sentral at MacaoSAR, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng Macao.