Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsyon inihandog ng Embahada ng Tsina sa Estados Unidos kaugnay ng Anibersaryo ng Macao

(GMT+08:00) 2019-12-20 18:00:03       CRI

Idinaos gabi ng Disyembre 19, local time, sa Washington D.C., Amerika, ang resepsyon ng embahada ng Tsina sa Estados Unidos upang ipagdiwang ang ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao inangbayan. Halos 600 panauhin ang dumalo sa resepsyon.

Sinabi ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Estatos Unidos sa kanyang mensahe sa resepsyon na sa nakalipas na 20 taon, kabilang sa pinakamabilis sa buong mundo ang tulin ng paglago ng ekonomiya ng Macao, at naging isang modelo ang Macao ng matagumpay na kasanayan sa pagpapa-iral ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema".

Sinabi ni Cui, "Isang matagumpay na pagbabago ng sosyalismo na may katangiang Tsino ang patakarang 'Isang Bansa, Dalawang Sistema', at nakinabang dito ang buong daigdig."

Kabilang sa mga dumalong bisita ay sina Craig Allen, pangulo ng US-China Business Council, Matthew Maddox, CEO ng Wynn Resorts Ltd., mga embahador sa Estados Unidos mula sa maraming bansa, at mga embahador mula sa mga internasyonal na organisasyon.

Sang-ayon ang mga kalahok na sa nakalipas na 20 taon, napatunayan ng pagtatagumpay ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa pamamagitan ng mga natamong pag-unlad ng Macao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>