Ayon sa patalastas kamakailan ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, simula sa unang araw ng taong 2020, mas mababa kaysa most-favored-nation tariff ang pansamantalang ipapataw na taripa ng Tsina sa 850 uri ng mga aangkating paninda.
Ayon pa rin sa naturang komisyon, layon ng hakbanging na dagdagan ang pag-aangkat, mas mabuting tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan, pataasin ang lebel ng pagbubukas sa labas, at bigyan ng ambag ang paglaki ng kalakalang pandaigdig.
Salin: Liu Kai