Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping at Shinzo Abe, nagtagpo; relasyong Sino-Hapones, nahaharap sa mahalagang pagkakataon ng pag-unlad

(GMT+08:00) 2019-12-24 10:55:11       CRI

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Lunes, Disyembre 23, 2019 kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kasalukuyang nahaharap ang relasyong Sino-Hapones sa mahalagang pagkakataon ng pag-unlad. Aniya, para sa maayos na paghawak sa relasyong ito sa bagong siglo, dapat tiyakin ng dalawang panig ang estratehikong pagkakasundo, tumpak na hawakan ang tamang direksyon, palawakin ang pragmatikong kooperasyon, palakasin ang pagpapalitan sa mga larangang gaya ng kultura, pahigpitin ang pagtitiwalaang panseguridad, at ipakita ang responsibilidad sa daigdig.

Diin ng Pangulong Tsino, nakahanda ang panig Tsino na panatilihin ang mahigpit na pakikipagkoordinahan sa panig Hapones para mapasulong pa ang relasyong Sino-Hapones at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Ipinahayag naman ni Abe na mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Hapones-Sino. Ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay may mahalagang katuturan para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig, aniya pa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>