Sa darating na 2020, limang kabataan ng Hong Kong ang manunungkulan bilang unang pangkat ng junior professional officer (JPO) sa United Nations (UN). Sila ay inirekomenda ng pamahalaang sentral ng Tsina.


Ang balitang ito ay ipinatalastas nitong Lunes, Disyembre 23, 2019 sa isang seremonya ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Xie Feng, Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa HKSAR, na ang programa ng JPO ay isang maliit na hakbang para sa naturang limang kabataan, pero malaking hakbang para sa lahat ng mga kabataan ng Hong Kong na mapabilang sa mga suliraning panlabas ng bansa at global governance.

Sa tingin naman ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng HKSAR, may espesyal na katuturan ang pagtatrahabo ng mga kabataan ng HKSAR, sa kauna-unahang pagkakataon, sa isang organisasyong pandaigdig na sinasalihan lamang ng soberanong bansa. Aniya, ito ay isang mahalagang breakthrough para sa Hong Kong.
Salin: Vera