Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya ng Lider na Tsino sa 2019: "Circle of Friends" ng Tsina, napalawak pa

(GMT+08:00) 2019-12-27 16:37:34       CRI

Pagtatagpo ni Xi Jinping at mga lider ng bansang isla sa Pasipiko na may relasyong diplomatiko sa Tsina

Noong Setyembre 21, 2019, kinikilala ng Tsina at Solomon Islands ang isa't-isa at naitatag ang relasyong diplomatiko sa antas na embahadoryal. Bukod dito, napanumbalik din noong Setyembre, 2019 ng Kiribati ang relasyong diplomatiko sa Tsina na naputol ng halos 16 na taon. Maraming beses na ipinahayag ni Punong Ministro Manasseh Sogavare ng Solomon Islands, na ang pagkakatatag ng relasyong diplomatiko sa Tsina ay tumpak na pagpiling historikal. Ito aniya ay nagawang solemna at buong tatag na pangakong pulitikal ng Solomon Islands. Ipinahayag din ni Taneti Maamau, Pangulo at Ministrong Panlabas ng Kiribati, na unti-unting nalaman ng kanyang bansa na para maisakatuparan ang pag-unlad ng bansa, kinakailangan ang mga kaibigang tulad ng Tsina.

Nauna rito, naitatag ng Tsina ang relasyong diplomatiko sa walong (8) bansang isla sa Pasipiko na gaya ng Tinga at Fiji. Noong taong 2014 at 2018, dalawang beses na kolektibong nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga lider ng bansang isla sa Pasipiko na may relasyong diplomatiko sa Tsina.

Sa kasalukuyang buwan, isinagawa ni bagong Pangulong Nayib Bukele ng Salvador ang kanyang unang biyahe sa Tsina. Noong Agosto, 2018, naitatag ng Tsina at Salvador ang relasyong diplomatiko.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Xi na ang pagkakatatag at pagpapaunlad ng Tsina at Salvador ng relasyong diplomatiko, ay isang malaking pangyayari sa kasaysayan ng pagpapalitan ng dalawang bansa. Ito aniya ay nagpasimula sa kanilang mahigpit na kooperasyon. Ani Xi, nakahanda ang Tsina na sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa at di-panghihimasok sa mga suliraning panloob ng isa't-isa, palawakin kasama ng Salvador, ang pagpapalitan at pagtutulungan para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Nitong mahigit 40 taong nakalipas, ang prinsipyong "Isang Tsina" ay nagsisilbing unibersal na pagkakasundo ng komunidad ng daigdig. Hanggang sa kasalukuyan, sa lahat ng 195 soberanong bansa sa daigdig, 180 bansa ang mayroong relasyong diplomatiko sa Tsina. Ang palawak nang palawak na "Circle of Friends" ng Tsina ay lubos na nagpapatunay na ang nasabing prinsipyo ay tumutugma sa pangkalahatang tunguhin, at hindi ito mahahadlangan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>