Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diplomasya ng lider na Tsino sa 2019: paanong isinalaysay ni Pangulong Xi ang Tsina sa daigdig

(GMT+08:00) 2019-12-27 17:42:12       CRI

Apat na home diplomacy, 7 na beses na pagdalaw sa ibayong dagat, mahigit sandaang bilateral na aktibidad, ito ang ginawang diplomasya ng lider ng Tsina sa taong 2019. Sa harap ng walang katulad na pabagu-bagong kalagayan sa 100 taong kasaysayan, saad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na walang alinmang bansa ay maaaring nagsasariling lumutas sa mga problema, at ang pagbubukas at pagtutulungan ay siyang tanging tumpak na pagpili ng iba't ibang bansa. Ang matalinong "plano ng Tsina" ay hindi lamang nakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa iba't ibang bansa, kundi binigyang pagkakataon din ang mga bansa na maunawaan ang Tsina.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay dumadalaw na Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya noong Nobyembre 6, 2019, sinabi ni Pangulong Xi na bilang mga pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at kinatawan ng sibilisasyong silanganin at kanluranin, kailangang isabalikat ng Tsina at Pransya ang mas maraming responsibilidad. Nakahanda aniya siyang pasulungin, kasama ni Macron ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa sa mas mataas na antas, nakaharap sa daigdig, kinabukasan at mga mamamayan.

Noong Nobyembre 5, 2019, dumalo si Xi sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE), kung saan nagpadala siya ng imbitasyon sa mundo na "malaki ang pamilihang Tsino, at welkam sa Tsina."

Sa taong 2019, nakipagtagpo si Xi sa mga kinatawan ng top 500 entrepreneur sa daigdig na kalahok sa CIIE, mga kinatawang dayuhan na kalahok sa New Economy Forum, mga panauhing dayuhan sa Imperial Springs International Forum at iba pa. Sinabi ni Xi sa mga mahalagang kasali, saksi at nakikinabang sa reporma at pagbubukas ng Tsina na ang 40 taong reporma at pagbubukas ay nakapagbigay ng kompiyansa sa Tsina, at ito ang siyang tanging landas na dapat tahakan ng Tsina. Kahit may iba't ibang hadlang, ibayo pang palalawakin ng bansa ang pagbubukas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>