Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Tsina, ipinangako ang pinagbabahaginang kaunlaran para sa bagong taon

(GMT+08:00) 2020-01-01 11:47:37       CRI

Bilang pagsalubong sa taong 2020, ipinahayag nitong Martes, Disyembre 31, 2019 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambagong-taon. Sa naturang mensahe, binalik-tanaw ng pangulong Tsino ang mga natamong bunga ng Tsina noong 2019, at inulit din niya ang pangako ng bansa na pasusulungin ang pinagbabahaginang kaunlaran ng komunidad ng daigdig.

Saad ni Xi, ang pambansang kaunlaran ng Tsina ay bunga ng pagsasagawa ng bansa ng reporma, pagbubukas sa labas, at inobasyon.

Samantala, ibinahagi rin ng Tsina ang oportunidad ng pag-unlad sa iba pang mga bansa, na gaya ng pagdaos ng Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) at Ikalawang China International Import Expo (CIIE).

Sa taong 2020, ipinangako ni Xi na patuloy na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at pagbubukas sa labas, para maisakatuparan ang komong kasaganaan ng mundo.

Salin: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>