Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga lider ng Pransya at Amerika, nag-usap sa telepono kaugnay ng maigting na kalagayan sa Gitnang Silangan

(GMT+08:00) 2020-01-06 15:24:16       CRI

Ayon sa press communique na inilabas nitong Linggo, Enero 5, 2020 ng palasyong pampanguluhan ng Pransya, nag-usap nang araw ring iyon sa telepono sina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Pangulong Donald Trump ng Amerika hinggil sa maigting na kalagayan sa rehiyon ng Gitnang Silangan.

Anang komunike, ipinahayag ni Macron ang pagkabahala ng kanyang bansa sa paglala ng maigting na kalagayan sa Iraq at Gitnang Silangan. Ani Macron, magsisikap ang Pransya, kasama ng rehiyon at komunidad ng daigdig, para mapahupa ang kalagayan ng Gitnang Silangan.

Saad ni Macron, sa paunang kondisyon ng lubos na paggalang sa soberanya ng Iraq, dapat gawing priyoridad ng mga tungkulin ng alyansang pandaigdig ang patuloy na pagbibigay-dagok sa ekstrimistikong organisasyong "Islamic State (IS)," upang maigarantiya ang seguridad ng Iraq at katatagan ng rehiyon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>