|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Linggo, Enero 5, 2020 ng panig militar ng Amerika na isang sundalong Amerikano at dalawang kontraktor ng Kagawaran ng Depensa ang nasawi sa pagsalakay ng mga armadong ekstrimista sa isang base-militar ng Kenya.
Ayon sa pahayag ng Africa Command ng Amerika (AFRICOM), dalawa pang kawani ng nasabing kagawaran ang nasugatan sa pagsalakay.
Nauna rito, ayon sa panig militar ng Kenya, sinalakay ng ekstrimistikong organisasyong "al-Shabab" ng Somali ang Manda Bay Airfield kung saan may nakatalagang mga tropa ng Kenya at Amerika. Limang (5) armadong tauhan ang napatay sa palitan ng putok ng panig militar at mga armadong tauhan.
Inamin ng al-Shabab ng Somali na sila ang may kagagawan ng naturang pagsalakay.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |