Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ekspertong Britaniko: susunod na sampung taon, mapapasakamay ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-01-07 15:38:47       CRI

Sa artikulong inilathala kamakailan sa website na "The Guardian" ng Britanya, sinabi ni Martin Jacques, Mataas na Mananaliksik ng University of Cambridge, na napasakamay ng Tsina ang nakalipas na sampung taon. Aniya pa, ang susunod na sampung taon ay kukunin din ng Tsina.

Anang artikulo, noong taong 2010, nagsimulang impluwensiyahan ng Tsina ang ideya ng buong daigdig sa pamamagitan ng makabagong paraan. Nitong sampung taon na ang nakararaan, ang pangunahing pinagmumulan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig ay palagiang nananatili sa Tsina sa halip ng Amerika, dagdag ng artikulo. Ayon sa estadistika ng World Bank noong 2014, nalampasan ng saklaw ng paglaki ng kabuhayan ng Tsina ang kabuhayan ng Amerika na siyang nagsisilbing pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig.

Anito, kung pag-uusapan ang kaganapan nitong sampung taong nakararaan, ito ang pinaka-kagila-gilalas na istorya ng pag-unlad ng kabuhayan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Walang duda, hindi ito madaling tanggapin ng mga bansang kanluranin, at magdudulot ng salimuot sa kanilang damdamin. Anang artikulo, ang pag-ahon ng Tsina ay nagbunsod ng krisis ng pangkaligtasan para sa Amerika at Europa, at ang damdaming ito ay magpapatuloy sa loob ng siglong ito.

Binanggit din ng artikulo ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ng Tsina noong 2013. Anito, ito ang pinakamalinaw na pagpapakita ng patuloy na lumalakas na impluwensiya ng Tsina sa daigdig. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit isang daang (100) bansa (nakakarami sa kanila ay mga umuunlad na bansa) ang sumapi sa inisyatibang ito. Di puwedeng pabulaanan ng kahit anong bansang kinabibilangan ng Amerika, ang representasyon nito, diin ng artikulo.

Inilabas din ni Martin Jacque ang kanyang artikulo sa Twitter na pinag-uukulan ng maraming share at like ng mga netizen.

Ipinahayag ng isang netizen na walang anumang mali o hinahangad na mapagkunwaring laman ang artikulo. Ito aniya ay obdiyektibong pagbabalitang mahirap makita sa mga media ng kanluran.

Ini-like ng isang netizen ang komentong nagsasabing may batayan at walang anumang pagkiling ang artikulo. Ito'y bumabasag sa mga naunang tsismis na inilabas ng mga kanluraning media.

Sinabi naman ng isa pang netizen na may 1.4 na bilyong populasyon ang Tsina, at malinaw ang prospek nito sa pag-unlad ng kabuhayan. Bukod dito, hindi rin aniya niyuyurakan ng Tsina ang soberanya ng ibang bansa, na nagpapatunay ng liderato nito.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>