Nitong Biyernes, Enero 10, 2020, pormal na nagsimula ang "Paglalakbay sa Spring Festival" sa taong 2020. Sa araw na ito, tinayang naihatid ang 11.6 milyong pasahero na mas malaki ng 21.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Bilang tugon, isinasagawa ng departamento ng daam-bakal ng Tsina ang mga hakbanging pansiyensiya't panteknolohiya para makapagbigay-ginhawa sa mga pasahero. Sa panahon ng "Paglalakbay sa Spring Festival," ibayo pang isinusulong ng naturang mga departamento ang e-ticket, at mainit itong tinatanggap ng mga byahero.
Salin: Li Feng