Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsabog ng Bulkang Taal, napipinto--Phivolcs

(GMT+08:00) 2020-01-13 11:01:40       CRI
Ipinatalastas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ika-4 na lebel na alerto, pagkaraang nagsimula kahapon ng hapon, Linggo, ika-12 ng Enero 2020, ang malakas na paggalaw ng lava at gaas, at pagbuga ng malaking bolyum ng abo ng Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, ang pagsabog ng bulkan ay posibleng maganap sa loob ng darating na ilang oras hanggang ilang araw.

Ayon naman sa National Risk Reduction and Management Council, sinimulang ilikas ang halos 10 libong residente sa tatlong bayang pinakamalapit sa Bulkang Taal.

Sa kasalukuyan, kumalat na sa Manila ang abo ng bulkan, at nagdulot ito ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga lokal na residente.

Ayon naman sa Manila International Airport Authorities, dahil sa epektong dulot ng abo, suspendido na ang paglipad at paglapag ng lahat ng mga eroplano sa paliparan, na kinabibilangan ng marami sa pagitan ng Manila at iba't ibang destinasyon sa Tsina.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>