Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa pagyao ni Sultan Qaboos ng Oman

(GMT+08:00) 2020-01-13 10:57:55       CRI

Kaugnay ng pagyao ni Sultan Qaboos bin Said ng Oman, nagpadala nitong Linggo, Enero 12, 2020 ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pakikiramay kay bagong Sultan Haitham bin Tariq al-Said.

Sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino at kanyang sarili, ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa pagyao ni Sultan Qaboos, at taos-pusong pakikiramay sa mga kapamilya at mga mamamayan ng Oman.

Dagdag ni Xi, bilang kaibigan ng mga mamamayang Tsino, gumawa si Sultan Qaboos ng positibong ambag para sa pagpapaunlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa, pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan, at pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan. Aniya, pinahahalagahan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang pagkakaibigan ng Tsina at Oman. Nananalig aniya siyang sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng magkabilang panig, tiyak na matatamo ng nasabing estratehikong partnership ang bagong progreso.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>