Idinaos kahapon, Lunes, Enero 13, 2020, sa Beijing ang taunang sesyong plenaryo ng ika-19 na Central Commission for Discipline Inspection ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa kanyang talumpati sa sesyon, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Pangulo ng Tsina, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar, na dapat palalimin ang paglaban sa katiwalian sa larangan ng pinansyo at mga bahay-kalakal na ari ng estado. Hiniling din niyang pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga yaman at ari-arian ng estado.