Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng paninda ng Tsina sa 2019, lampas sa 31 trilyon yuan RMB

(GMT+08:00) 2020-01-14 15:07:29       CRI

Ayon sa estadistikang inilabas Martes, Enero 14, 2020 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong 2019, umabot sa 31.54 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalan ng paninda ng Tsina, at ito ay lumaki ng 3.4% kumpara noong 2018. Kabilang dito, 17.23 trilyong yuan RMB ang pagluluwas, na lumaki ng 5%; 14.31 trilyong yuan ang pag-aangkat, na lumaki ng 1.6%; at 2.92 trilyong yuan ang trade surplus, na lumaki ng 25.4%.

Ipinakikita rin ng datos na noong isang taon, ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nagsilbing ika-2 pinakamalaking trade partner ng Tsina. Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga pribadong bahay-kalakal ay naging pinakamalaking pangunahing bahagi ng kalakalang panlabas ng bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>