Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Isinusulong ang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Myanmar

(GMT+08:00) 2020-01-17 09:55:50       CRI

Mula ngayong araw, Enero 17, 2020, sisimulan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang unang diplomatikong biyahe sa bagong taon na dalawang araw na dalaw-pang-estado sa Myanmar. Bago ang biyaheng ito, inilabas ni Xi ang may-lagdang artikulo sa maraming pangunahing media ng Myanmar kung saan binigyan niya ng lubos na papuri ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng pagtitiwalaang pulitikal, pragmatikong kooperasyon, at pagpapalitang pangkultura. Ipinahayag ni Pangulong Xi ang pag-asang sa pamamagitan ng biyahe, mapapasulong ang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Myanmar.

Sa kanyang may-lagdang artikulo, iniharap ng Pangulong Tsino ang apat na mungkahi tungkol sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Myanmar sa bagong siglo. Iminungkahi ng panig Tsino na sa estratehiko at pangmalayuang pananaw, dapat palalimin ang komprehensibo't estratehikong partnership, at linangin ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran sa puso ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Una, dapat palakasin ng Tsina at Myanmar ang estratehikong pagsasanggunian para gawin ang bagong blueprint ng bilateral na relasyon; ikalawa, dapat palalimin ang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, at paramihin ang bagong puwersa sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Tinukoy sa artikulo ni Pangulong Xi na dapat pasulungin ang pagtungo ng balangkas ng China-Myanmar Economic Corridor (CMEC) sa yugto ng pagplano at pagtatayo mula sa pagiging isang konsept. Dapat aniyang palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng konektibidad, koryente at enerhiya, komunikasyon at transportasyon para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa; ikatlo, dapat palakasin ang pagpapalitan para mapayaman ang nilalaman ng mabuting damdamin ng dalawang bansa bilang "magkapatid"; ika-apat, dapat pasulungin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan para makalikha ng bagong situwasyon ng kapayapaan at katatagang panrehiyon. Sa harap ng palakas nang palakas na unilateralismo at hegemonya, dapat patuloy na palakasin ng Tsina at Myanmar ang kooperasyon sa loob ng mga balangkas ng mekanismong multilateral para makapagbigay-ambag sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may paggagalangan, pagkakapantay at katarungan, at kooperasyon at win-win result.

Anang artikulo, ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar. Pinili ng lider na Tsino ang Myanmar bilang unang bansang bibisitahan sa bagong taon na tunay na nagpapakita ng lubos na pagpapahalaga ng panig Tsino sa relasyon ng Tsina at Myanmar. Pinaniniwalaang kasunod ng pagpapalalim ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, ang relasyon ng Tsina at Myanmar sa bagong siglo ay tiyak na makakapagbigay ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan, at magkakaloob ng positibong impluwensiya sa kapayapaan at kaunlarang panrehiyon.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>