Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga PM ng Tsina at Malaysia, nagpadala ng mensaheng pambati para sa "Taon ng Turismong Pangkultura ng Tsina at Malaysia sa 2020"

(GMT+08:00) 2020-01-20 11:27:50       CRI

Kuala Lumpur — Idinaos nitong Linggo, Enero 19, 2020 ang seremonya ng pagbubukas ng "Taon ng Turismong Pangkultura ng Tsina at Malaysia sa 2020." Hinggil dito, magkahiwalay na ipinadala nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia ang mensaheng pambati sa seremonyang ito.

Ani Premyer Li, nitong ilang taong nakalipas, nananatiling malusog at matatag ang pag-unlad ng relasyong Sino-Malay. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng Taon ng Turismong Pangkultura, mapapalawak ng dalawang bansa ang pagpapalitang pangkultura, mapapalalim ang kooperasyong panturismo, mapapahigpit ang pag-uunawaan ng mga mamamayan, at walang humpay na mapapasulong ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Mahathir ang kanyang pananalig na tiyak na pasusulungin ng nasabing aktibidad ang relasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa. Bumati rin siya ng Manigong Bagong Taon sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>