Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Reference News, ini-ulat ang pagbabalita ng dayuhang media tungkol sa CMG Spring Festival Gala

(GMT+08:00) 2020-01-21 15:54:56       CRI

Inilathala Martes, Enero 21, 2020 ng "Reference News" ang pag-uulat ng ilang media ng Rusya tungkol sa tampok na inobasyon ng gaganaping Spring Festival Gala na gawa ng China Media Group (CMG).

Ayon dito, ibinalita nitong Linggo, Enero 19, sa website ng "Russian Newspaper," na ginanap noong Enero 18 ang ika-3 ensayo ng 2020 Spring Festival Gala ng CMG. Sa pamamagitan ng walang katulad na porma, ipagkakaloob ng nasabing gala ang isang pambihira at makulay na piyestang kultural sa mga manonood ng buong bansa, dagdag ng "Reference News."

Samantala, sinabi nitong ayon naman sa RIA Novosti noong Enero 17, pinasinayaan noong isang linggo sa Media Center Hotel ang seremonya ng pagsisimula ng paggamit ng inobasyon ng "5G+8K/4K/VR."

Ayon sa salaysay, saklaw na ng 5G network ang main at parallel venues. Sa panahong iyon, gagamitin ng CMG ang 5G+8K technology para maisakatuparan ang multi-camera shooting, at gagawin ang Spring Festival Gala sa 8K version.

Bukod dito, sa pamamagitan ng malaking puting-tabing, isasagawa sa Saint Petersburg ng Rusya ang live coverage sa nasabing gala para sa libu-libong manonood.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>