Muling ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal para matiyak ang sustenableng pag-unlad.
Winika ito ni Xi sa kanyang inspeksyon sa Dianchi Lake, pinakamalaking lawang-tabang sa Yunnan, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng Tsina, bago ang Chinese New Year na natatapat sa Enero 25.
Noong 2008, binisita ni Xi ang naturang lawa kaugnay ng paghawak sa polusyon. Kinilala ni Xi ang natamong bunga ng lokalidad sa paghawak sa suliranin ng kontaminasyon sa Dianchi. Diin ni Xi, kailangang iwasan ang pagpapapasulong ng kabuhayan kapalit ng pagsira sa ekolohiya. Hiniling niya ang patuloy na pagsisikap para sa pangangalaga sa kapaligiran. Ang berdeng katubigan at kabundukan ay bundok ng ginto at pilak, dagdag pa ni Xi.
Salin: Jade
Pulido: Rhio