Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghulagpos mula sa karalitaan ng grupong etnikong Wa, binati ng pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2020-01-21 16:02:01       CRI

Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa mga taga-nayon ng grupong etnikong Wa sa lalawigang Yunnan, sa dakong timog-kanluran ng Tsina, dahil sa pagkahulagpos sa karalitaan.

Ipinahayag ito ni Xi sa kanyang paglalakbay-suri nitong Linggo, Enero 19, sa Simola Wa Village, Tengchong City, Yunnan, bago ang Chinese New Year na natatapat sa Enero 25. Ang Chinese New Year o Spring Festival ay ang pinakamahalagang kapistahan ng nasyong Tsino, at sa 2020, ito ay natatapat sa Enero 25.

Si Xi, kasama ng mga taga-nayon ng grupong etnikong Wa

Sa taong ito, inaasahang matutupad ng Tsina ang misyon ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas sa iba't ibang aspekto. Kasabay nito, mapupuksa ang kahirapan sa buong Tsina, sa 2020.

Inulit ni Xi ang kahalagahan ng pagpapasulong ng kasiglahan sa kanayunan ng bansa, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng industriya at kabuhayang lokal, para patuloy na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>