Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Resepsiyong Pambagong Taon ng mga embahador na dayuhan, idinaos

(GMT+08:00) 2020-01-21 11:33:27       CRI

Idinaos Enero 20, 2020, sa Diaoyutai State Guesthouse dito sa Beijing, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang resepsiyong pambagong taon sa 2020. Lumahok sa resepsiyon ang 400 tao na kinabibilangan ng mga embahador ng iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig sa Tsina, mga namamahalang tauhan ng mga kinauukulang departamentong Tsino at iba pa.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang na ang 2019 ay Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. At ang 2020 ay mahalagang taon para sa Tsina. Sa ilalim ng patnubay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, patuloy na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at magbibigay ng bagong ambag para sa kapayapaan ng buong daigdig.

Sa ngalan ng mga delegasyong dayuhan sa Tsina, ipinahayag ni Khek C. Sydoda, Embahadaor ng Kambodya sa Tsina at Puno ng Delegasyon ng mga Embahador na dayuhan sa Tsina, ang pagbati sa mga mamamayang Tsino. Ipinahayag niya na marami ang bunga ng diplomasiya ng Tsina, at nananalig siyang sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina, tiyak na matatamo ng Tsina ang mas malaking tagumpay.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>