Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ulat ng IMF, nagpapakita ng pagkilala at kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa kabuhayang Tsino

(GMT+08:00) 2020-01-22 16:29:51       CRI

Sa ulat ng World Economic Outlook na inilabas nitong Lunes, Enero 20, 2020 ng International Monetary Fund (IMF), pinataas nito ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang Tsino. Kaugnay nito, sinabi nitong Martes sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagpapakita ito ng pagkilala ng komunidad ng daigdig sa kalagayan ng kabuhayang Tsino, at kompiyansa nila sa prospek ng kabuhayang Tsino.

Ayon sa nasabing ulat, pinababa ng IMF ang pagtaya sa paglago ng kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon at susunod na taon sa 3.3% at 3.4%. Samantala, pinataas nito ang pagtanaw sa paglago ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon sa 6%.

Diin ni Geng, kahit dumarami ang mga panganib at hamon sa loob at labas ng bansa, hindi nagbabago ang mabuting pundasyong ekonomiko ng Tsina para sa pangmalayuang paglago. Aniya, sa 2020, patuloy na pag-uukulan ng Tsina ng pansin ang supply-side structural reform, at aktibong pasusulungin ang pagpapatupad ng iba't ibang patakaran at hakbangin, para mapanatili ang paglago ng kabuhayan sa katamtaman at mataas na bilis.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>