|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Miyerkules, Enero 22, 2020 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nanumpa na si Liu Jian, ng nasabing ministri bilang espesyal na sugo ng Tsina sa mga suliranin ng Afghanistan.
Ang dating sugo sa posisyong ito na si Deng Xijun ay siya na ngayong Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Saad ni Geng, palagiang aktibong sumasali at pinasusulong ng panig Tsino ang proseso ng kapayapaan at rekonsilyasyon ng Afghanistan.
Lubos din aniyang pinahahalagahan ng bansa ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordinahan sa iba't ibang kaukulang panig, at kooperasyong pandaigdig na may kinalaman sa Afghanistan.
Si Liu ay isang beteranong diplomata, at namungkulan na siya minsan bilang embahador sa mga bansang gaya ng Afghanistan, Malaysia, Pakistan at iba pa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |