Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, walang humpay na pinag-iibayo ang pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa IPR

(GMT+08:00) 2020-01-23 15:44:55       CRI

Sinabi nitong Miyerkules, Enero 22, 2020 sa Beijing ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang humpay na pinag-iibayo ng bansa ang pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang isip (IPR).

Isiniwalat niyang sa kasalukuyan, aktibong pinapasulong ng bansa ang mga gawaing may kinalaman sa pagsapi sa Hague Agreement Concerning the International Registration of Industrial Design.

Samantala, inilathala ng Financial Times, na walang humpay na pinag-iibayo ng Tsina ang pananaliksik at pagdedebelop; pinangungunahan ang aplikasyon ng patente sa buong mundo; at pumapangatlo sa bilang ng mga valid patent holding.

Dagdag ni Geng, ayon sa Global Innovation Index (GII) report sa taong 2019, nasa ika-14 na puwesto sa daigdig ang Tsina, at tumaas ang puwesto nito noong nagdaang 4 na taong singkad.

Ayon naman sa Global Business Report 2020 na inilabas ng World Bank, tumaas sa ika-31 puwesto ang kapaligirang pang-negosyo ng Tsina sa 2019. Ito ay mula sa ika-78 puwesto noong 2017.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>