Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2020 Spring Festival Gala, nagtatampok sa inobasyong panteknolohiya't pangkultura

(GMT+08:00) 2020-01-24 18:22:41       CRI

Ngayong araw ay bisperas ng Chinese New Year o Spring Festival para sa Taon ng Daga. Kasama ng pagtitipun-tipon at pagsasalu-salo ng buong pamilya, ang panonood ng Spring Festival Gala ay nagsisilbi ring tradisyon ng pagpapalipas ng pinakamahalagang kapistahan ng mga mamamayang Tsino.

Gamit ang mga bagong teknolohiya na gaya ng 5G, drone, robot at Virtual Reality (VR), nagtatampok ang 2020 Spring Festival Gala sa inobasyong panteknolohiya at pangkultura.

Ang 2020 Spring Festival Gala na may tagal na 260 minuto ay inihandog din ng China Media Group. Kabilang sa mga programa ang kanta, saya, salamangha, akrobatiks, opera, at skit. Mapapanood sa mga mga palabas ang agos ng panahon, maiinit na isyung panlipunan, pagpapahalaga sa pamilya, pagmamahal sa kababayan at inang-bayan, paghahanap ng kaligayahan, at hangarin pagpapatupad ng mga pangarap ng mga karaniwang mamamayan. Pinaghahalu-halo ito ng tradisyon at uso.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa taunang Spring Festival Gala , itinatag ang entabladong 3D. Bunga nito, nagkakaroon ang mga manonood ng karanasang Naked-Eye 3D sa harap ng telebisyon. Sa live broadcast ng gala, sa kauna-unahang pagkakataon, ginamit din ang VR. Mapapanood ang gala hindi lamang sa telebisyon, kundi ng cell phone, sa pamamagitan ng iba't ibang APP.

Sa taong ito, balak din ng CMG na ilabas ang pelikulang Spring Festival Gala. Nakatakdang iere ito sa 170 bansa at rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas, Amerika, Britanya, Hapon, Rusya, Brazil, Singapore, Saudi Arabia, Malaysia, Thailand, Laos, at iba pa.

Nitong mahigit tatlong dekada sapul nang ilabas ang Spring Festival Gala noong 1983, ang panonood ng gala ay nagsisilbing di-maiiwasang libangan ng mga pamilyang Tsino sa pagpapaalam sa nakalipas na taon at pagsalubong sa bagong taon alinsunod sa kalendaryong Tsino. Naitala ito sa Guinness World Records bilang pinaka-pinanonood na pambansang palabas ng variety entertainment sa daigdig. Sa bisperas ng Chinese New Year, ang panonood ng Spring Festival Gala, pagsasalu-salo ng pamilya, at pagbibigay ng red envelop ay nagiging bahagi ng kultura ng pagdiriwang ng bagong taong lunar ng mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade

Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>