Binati ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina si Kandhi Elieisa sa kanyang panunungkulan bilang bagong Ministrong Panlabas ng Federated States of Micronesia.
Ipinahayag ni Wang na nitong 31 taong nakalipas sapul nang itinatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Micronesia, natamo ang malaking pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Nauna rito, matagumpay na dumalaw sa Tsina si Pangulong David W. Panuelo ng Micronesia, na nagdulot ng bagong puwersang tagapagpasulong para sap ag-unlad ng relasyon ng dalawang panig. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Micronesia, para mataimtim na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng dalawang lider para pasulungin ang lalo pang pagpapalalim ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Micronesia, at pagpapasulong ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah