Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pag-unawa sa halip na diskriminasyon, nararapat para sa mga Tsino - gurong Pinoy sa Wuhan

(GMT+08:00) 2020-02-02 12:10:10       CRI

"Nakikiusap po ako sa mga kapuwa ko Pilipino, na huwag po sana nating diskriminahin ang mga Tsino. Hindi ito nararapat sa kanila."

Ito ang mariing panawagan ni Cheryl Lovino, 12 taon nang guro ng Ingles sa Wuhan, Tsina, sa programang Wow China ng Radyo Pilipinas 1, Pebrero 1, 2020.

Ani Lovino, hindi gusto ng mga Tsino ang nangyayaring ito, at napakalaking paghihirap ang nararanasan nila dahil sa novel coronavirus (2019-nCov).

Sa halip na diskriminasyon, suporta at pag-unawa ang dapat aniyang ipamalas ng mga Pilipino sa mga Tsino.

Ang masamang ugali at nakakasakit na pananalitang ipinakikita at binibitawan ng mga Pilipino sa social media laban sa mga Tsino ay hindi nararapat, at kailangang wakasan, diin Lovino.

"Mga Pilipino, hindi tayo ganito! Dapat po magkaisa tayo, dapat suportahan din natin sila. Hindi natin sila dapat diskriminahin dahil sila ang direktang apektado at naghihirap sa virus na ito," umiiyak na panawagan ni Lovino.

Nitong 12 taong nakalipas, ang lunsod ng Wuhan, lalawigang Hubei, sa gawing gitna ng Tsina ang siyang nagsisilbing tahanan ni Lovino.

Aniya, marami siyang mga kaibigang Tsino na itinuring niya bilang pamilya, at naniniwala siyang mapagtatagumpayan ng Wuhan at buong Tsina ang problemang ito, kaya naman nagpasiya siyang manatili sa lunsod, sa kabila ng epidemiya ng virus.

Dahil sa mga taga-Wuhan, nagiging mas magaan aniya ang kanyang buhay.

Sinabi pa niyang, masasarap ang pagkain at maraming magagandang lugar sa lunsod, tulad ng Kalyeng Han at French Garden.

Pagdating naman sa paraan ng paghawak ng lokal na pamahalaan ng Wuhan sa epidemiya, sinabi niyang napakainam at episyente ang mga hakbang na ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Wuhan at sentral na pamahalaan ng Tsina upang kontrolin ang pagkalat ng virus at gamutin ang mga apektado nito.

Sinabi niyang napakaraming taong-gobyerno ang nag-mo-monitor sa labas, at hindi nila hinahayaan ang mga ordinaryong taong manatili sa labas nang mahabang panahon, para maprotektahan ang kanilang kalusugan.

Maaari aniya siyang lumabas ng bahay upang bumili ng mga esensiyal na gamit sa buhay, pero, bumabalik din siya sa bahay matapos mabili ang mga ito.

Tungkol naman sa video na lumabas sa social media na nagpapakitang may nahimatay sa istasyon ng bus sa Wuhan dahil sa 2019-nCov, sinabi niyang may isang insidenteng ganito, dahil medyo grabe ang sintomas ng taong iyon, pero, ipinagdiinan niyang hindi totoo na ito ay nangyayari sa lahat ng dako ng Wuhan.

Napakainam aniya ang paraan ng paghawak ng pamahalaang Tsino sa problemang ito at ang responde ng Tsina ay napakabilis, ismarte at kahanga-hanga.

"Para sa akin, ang mga ito ay sapat na," saad niya.

Ang mga mamamayan ay nakikipagtulungan at sumusunod sa pamahalaan kaya naman naniniwala si Lovino na mareresolba ang situwasyon sa lalong madaling panahon.

Ulat: Rhio
Edit: Jade/Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>