|
||||||||
|
||
Sinabi Lunes, Pebrero 3, 2020 sa Beijing ni Tian Yulong, Punong Inhinyero ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, na kasabay ng pagpapanumbalik ng produksyon ng mga bahay-kalakal at special international procurement, malaking napahupa ang kakulangan sa materyal na medikal sa Lalawigang Hubei, Tsina.
Ayon sa salaysay, bilang mahalagang base ng produksyon ng mga materyal na medikal ng Tsina, unti-unting napapanumbalik ng Hubei ang kakayahan sa produksyon ng mga materyal na medikal na gaya ng protektibong kasuotang medikal, goggles at iba pa.
Samantala, aktibong hinahanap ng kaukulang departamento ang tsanel ng pagbili ng materyal mula sa ibayong dagat.
Sa pamamagitan ng international procurement, pag-aabuloy at ibang porma, binili rin ng maraming bahay-kalakal ang maraming kinakailangang materyal na medikal mula sa maraming bansa.
Bukod dito, dinaragdagan ng Tsina ang suplay ng mga kagamitan sa pamumuhay na gaya ng bigas, harina, karne, gulay at iba pa.
Sa kasalukuyan, may garantiya ang suplay ng mga kinakailangang kagamitan sa pamumuhay sa Wuhan at Lalawigang Hubei.
Nananatiling sapat din ang suplay sa ibang lugar ng bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |