Sa kasalukuyan, pumasok na sa importanteng panahon ang paglaban ng Tsina sa epidemya ng novel corona virus (2019-nCov).
Sa pamamagitan ng pagpapalabas ng dokumento at iba pang paraan, pinapatnubayan ng Mekanismo ng Magkakasamang Pagkontrol sa Epidemya ng Konseho ng Estado ng Tsina ang iba't ibang lugar ng bansa, at ipinagkakaloob ang angkop na tulong pangkalusugang sikolohikal sa mga tao.
Itinayo din ang telephone hotline para ipagkaloob ang suportang sikolohikal sa mga mamamayan.
Sa panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Jia Xiaoming, opisyal ng Chinese Psychological Society (CPS) na, sa kasalukuyan, ang pokus ng gawain ng tulong sikolohikal ay: patatagin ang emosyon, pataasin ang kompiyansa, at isagawa ang angkop na aksyon.
Salin: Sarah