Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga flight sa pagitan ng Tsina at Pakistan, napanumbalik

(GMT+08:00) 2020-02-04 15:50:41       CRI

Nitong Lunes, Pebrero 3, 2020, dumating ng Islamabad International Airport ang Flight CZ6007 ng China Southern Airlines na may lulang 57 pasaherong Pakistani at 12 pasaherong Tsino.

Ito'y hudyat ng pagpapanumbalik ng mga flight sa pagitan ng Tsina at Pakistan na naputol dahil sa tradisyonal na Spring Festival ng Tsina.

Sa kanyang twitter account, isiniwalat nang araw ring iyon ni Zafar Mirza, Tagapayong Pangkalusugan ng Punong Ministro ng Pakistan, na ang lahat ng mga pasahero sa nasabing flight ay nakatanggap ng kinakailangang pagsusuring pangkalusugan at interbyu.

Kaugnay nito, nag-tweet si Pangulong Arif Alvi ng Pakistan bilang papuri.

Aniya, buong tatag na kinakatigan ng kanyang bansa ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pagpuksa ng epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov).

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>