Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Epekto ng epidemiya ng 2019-nCov sa kabuhayang Tsino, hindi gaanong negatibo—think tank

(GMT+08:00) 2020-02-05 13:51:37       CRI

Inilabas kamakailan ng Shanghai Institute for International Studies ang ulat na pinamagatang "Coronavirus Battle in China: Process and Prospect."

Detalyado nitong inanalisa ang progreso ng pagpuksa ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov), posibleng epekto ng epidemiya, at mga katugong hakbangin.

Ayon sa ulat, layon ng pagsasagawa ng kuwarentenas ng pamahalaang Tsino sa lunsod ng Wuhan, episentro ng nasabing epidemiya, na pigilan ang pagkalat ng epidemiya.

Anito, ang ganitong agarang aksyon para sa kalusugang pampubliko ay walang katulad sa kasaysayan, at nagpapakita, na ang Tsina ay isang responsableng malaking bansa.

Kaugnay ng epekto ng epidemiya sa kabuhayang Tsino, tinukoy ng ulat na posible itong magdulot ng direktang impakt sa ilang industriyang kinabibilangan ng serbisyo, industriya ng pagyari, at kalakalan.

Samantala, sinabi rin ng ulat, na sa maikling panahon, paborable ang naging bunga ng kasalukuyang epidemiya sa mga bahay-kalakal ng e-commerce, online game at libangan.

Sa pangmalayuang pananaw, bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo, hindi mababawasan ang napakalaking nakatagong lakas ng Tsina sa mga bagong larangang ekonomiko na gaya ng kakayahan sa konsumo, urbanisasyon, 5G at artificial intelligence, saad pa ng ulat.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>